MANILA, Philippines - Limang botante ang iniulat na nasawi habang walong iba pa ang nasuÂgatan sa naganap na magkakahiwalay na insidente ng pamamaril na iniuugnay sa halalan sa bayan ng Bayog, Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi at kahapon ng umaga.
Sa ulat ni P/Chief Insp. Ariel Huesca, spokesman ng police regional office, naganap ang unang pamamaril sa Barangay Buboan kung saan nasawi sina Dionisio Manos, 67; Vivencio Balido, 47; at si Julito Isig, 20.
Sa inisyal na imbestigasyon, niratrat ng mga armadong kalalakihan ang mga biktima na papasok na sana sa polling precinct para bomoto.
Rumesponde naman ang mga pulis na nagbabantay sa mga polling precinct at isinugod sa ospital ang mga sugatang biktima.
Samantala, pinagbabaril naman hanggang sa mapatay ang dalawang lalaki sa mismong araw ng eleksyon sa Barangay Kahayagan sa nasabing bayan.
Kinilala ang mga napatay na sina Dexter Calunsag, 20; at Michael Mendoza, 22, kapawa nakatira sa nabanggit na barangay.