Habambuhay sa 2 kidnaper
BULACAN, Philippines – Habambuhay na pagkabilanggo ang iginawad ng mababang hukuman ng Malolos City laban sa dalawang miyembro ng fraternity matapos mapatunayan ng korte na sangkot sa pagdukot sa isang kolehiyala sa Sampaloc, Manila noong Nobyembre 2001.
Sa 15-pahinang desisyon ni Judge Basilio Gabo Jr. ng Malolos City Regional Trial Court Branch 11 hinatulan ang mga akusadong sina Aaron Del Prado at Isagani Reyno habang pinalaya naman sina Xerxes Eslava, Adolf Bryan Del Prado at Dean Gonzales dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Dinismis naman si Rolando Vigilia dahil namatay ito habang nililitis ang kaso na pawang mga miyembro ng Scout Royal Brotherhood Fraternity.
Bukod sa habambuhay na pagkabilanggo ay pinagbabayad ang mga akusado ng halagang P 3.3 milyon bilang moral at exemplary damages sa biktima.
Base sa rekord ng korte, dinukot ng mga akusado ang biktimang si Pamela Lacap habang papasok sa Centro Escolar University sa Sampaloc, Maynila noong Nobyembre 22, 2001 kung saan dinala sa Barangay Toro, Bocaue, Bulacan.
Nakalaya lamang ang biktima matapos makapagbigay ng P3 milyong ransom ang mga magulang ng dalaga. Kaagad namang nakipag-ugnayan ang pamilya Lacap sa kinauukulang ahensya ng pamahalaan kaya naaresto ang mga akusado
Awtomatikong rerebisahin ng Court of Appeals ang naÂging desisyon ng mababang hukuman laban sa mga akusado.
- Latest