^

Probinsiya

Montano nanguna sa survey sa Kabisayaan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanguna sa survey ng mga grupo ng radyo at telebisyon sa Kabisayaan ang dating hepe ng Philippne Constabulary at Philippine National Police na si Ramon Montano na tumatakbo bilang independent candidate sa senatorial race.

Base sa survey na pina­ngunahan ng Democracy in Action Radio/TV Program sa Metro Cebu,  si Montano ay nakakuha ng 56.6 % boto mula sa 2,800 respondents sa Gitnang Bisaya.

Ang iba pang grupo na kasama sa  survey ay ang Bantay Radyo dyDD sa Cebu City; dyHH sa Bogo City, Cebu; Radio Fuerza dyRF sa Metro Cebu; dwBL sa Metro Manila; at sa CCTN Channel 47 Global Television sa Cebu.

Sa Top 5 ng survey, si Montano ay sinundan ni Sen. Loren Legarda, 55. 6 %; Francis Escudero,51. 4 %; Migz Zubiri, 50. 5%; Grace Poe, 49. 2%; at si JV Ejercito Estrada, 48. 3.  

Sa isa pang survey ng grupo sa Kanlurang Bisaya (Aklan, Antique, Guimaras, Negros Occidental, Capiz at Iloilo) nakuha naman ni Legarda ang No.1 slot at sumunod si Montano.

Sa Silangang Bisaya, si Ejercito ang nanguna, pumangalawa  si Legarda, at pumangatlo si Montano. Sa kabuuang survey  naman sa Mindanao, lumabas sa Top 5 si Legarda, Escudero, Estrada, Poe, at Montano.

 

vuukle comment

ACTION RADIO

BANTAY RADYO

BOGO CITY

CEBU

CEBU CITY

EJERCITO ESTRADA

FRANCIS ESCUDERO

LEGARDA

METRO CEBU

MONTANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with