Beautician inutas ng lover

CAMARINES NORTE, Philippines – Pinatay sa saksak ang 46-anyos na beautician ng kanyang lover saka iniwan sa kuwarto ng 24/7 cottages sa Barangay Alawihao, bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa ng hapon. Sa ulat ni P/Supt. Winston De Belen,  bandang alas-2 ng hapon nang ma­tagpuan ang naagnas na katawan ni Elito Canlas, bading­ na beautician, ng Purok 2 sa  Barangay 7. Samantala, tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Gerald “Bong” Reyes ng Purok 1, Barangay Alawihao. Ayon kay P/Chief Insp. Cresenciano Cordero Jr., hepe ng PNP CIDG, hu­ling namataang buhay ang biktima na kasama ang suspek na nag check-in sa nasabing lugar noong Miyerkules ng Mayo 1. Nawawala ang P24,000 cash, mga alahas at 4-cell phones ng biktimang binalutan pa ng plastic bag at kumot kung saan binuhusan ng xonrox upang hindi agad malanghap ang mabahong amoy. 

 

Show comments