BATAAN, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 27-anyos na ina at dalawa nitong anak habang malubha namang ang isa pang anak matapos na mabagsakan ng pader ang kanilang kubo sa Sitio Mabig, Barangay Sabatan sa bayan ng Orion, Bataan kahapon ng umaga.
Naisugod pa sa St. Michael Hospital subalit namatay din ang mga biktimang sina Maribel Carpio, 27; Seahnea Carpio, 9 buwang gulang; at si Noah Carpio, 5.
Patuloy namang ginaÂgamot ang isa pang bikÂtimang nasa kritikal na kalagayan na si Seahn John Michael Carpio, 7.
Sa ulat ni P/Chief InsÂpector Elmer Santiago, hepe ng Orion PNP, naganap ang insidente pasado alas-6 ng umaga habang nasa panaderya ang mister kung saan bumibili ng pandesal para almusalin ng kaniyang pamilya.
Bigla na lamang bumigay ang may sampung talampakang taas at sampu ring metrong lapad na pader na itinatayong bakod kung saan dumagan sa maliit na kubo ng mga biktima.
Sinasabing substandard o mahinang uri ng materÂyales ang ginamit sa itinatayong bakod kung saan manipis ang bakal nito kaya naganap ang trahedya.
Ayon kay Santiago, posibÂleng makasuhan ng multiple homicide at serious physical injuries ang may-ari ng ipinatatayong bakod na si Engineer Nelson Santos dahil sa kapabayaan.
Pinaniniwalaang buhos ng ulan kamakalawa ng gabi hanggang kahapon ng madaling-araw kaya dumausdos hanggang sa tuluyang bumigay ang pader na kumitil sa buhay ng mag-iina.