Mayoralty candidate itinumba

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang kandidato sa pagka-alkalde matapos itong barilin ng di-kilalang lalaki habang nangangampanya sa bayan ng San Jose, Tarlac noong Lunes ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Chairman Rudy Abella ng Barangay Iba na tumatakbo sa mayoralty race sa nasabing bayan sa ilalim ng partidong Lakas –Christian and Muslim Democrats. Sa ulat ni P/Senior Supt. Alfred Corpuz, Tarlac PNP director na nakarating sa Camp Crame, abala sa pakikipagpulong si Abella sa mga residente na pinangangampanyahan nito sa Sitio Sta. Cruz sa nasabing barangay nang lapitan at barilin.Tatlo sa mga kasamahan ng gunman ang nagsilbing lookout sa krimen.

Show comments