MANILA, Philippines - Lima-katao kabilang ang apat na Aleman ang iniulat na nasawi habang aabot naman sa pito-katao ang sugatan makaraang suÂmabog ang Mayon Volcano sa lalawigan ng Albay kahapon ng umaga.
Sa update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Kinilala naman ni Albay Governor Joey Salceda ang mga nasawi na sina Joan Eduz, Roland Pieza, Farah Franes at Fibin Stifler na pawang mga Aleman at ang tour guide na Pinoy na si Jerome Berin.
Gayon pa man, ayon kay OCD V Director Raffy Alejandro ay hindi pa kumpirmado kung talagang mga Aleman ang apat sa nasawi.
Samantala, nailigtas naman sa Centennial Park Lidong sa bayan ng Santo DoÂmingo, Albay ay ang dalawang Thailander na sina Nithi Ruangpisit, 26; at Tanut Ruchipiyrak, 26; Boon Chai, Australian na si Straw Vega at ang mga Pinoy na sina Kenneth Jesalva, tour guide; Bernard Hernandez at si Calixto Balunso.
Sa impormasyong nakarating sa NDRRMC, aabot sa 20 mountainers ang sinasabing nagtatlong grupo kasama ang mga tour guide na Pinoy ang umakyat sa Mayon kung saan suÂmabog bandang alas-8:25 ng umaga.
Nabatid na nagkaroon ng pagyanig ang paligid ng bulkan kung saan tumagal ang mahihinang pagsabog nito ng 73-segundo.
Gayon pa man nasaksihan ng survivor na isang tour guide na si Kenneth Jesalva ang pagtama ng bato mula sa bulkan sa mga biktimang nasawi.
Nanawagan ang mga opisyal ng NDRRMC sa mga turista at iba pa na nangangahas na magtungo malapit sa crater ng bulkan na ipinagbabawal ito sa nasasaklaw ng 6 kilometer radius permanent danger zone dahil maaari pang magkaroon ng steam driven eruptions na posibleng magbuga ng mga bato at iba pang debris.
“Philvocs is maintaining an alert level o status which means that no magmatic eruption is imminent,†paliwanag ni DRRMC Executive Director Eduardo del Rosario.
Kasunod nito, pinalilikas na rin ang mga residente na naninirahan sa paanan ng bulkan partikular na sa bayan ng Malilipot, Legazpi City at iba pa na nasasaklaw ng 6 kilometer radius permanent danger zone.
Samantala,itinaas sa alert level 1 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang Taal Volcano sa Batangas matapos ang sunud-sunod na pagyanig sa palibot nito.
Pinayuhan ni Phivolcs Director Renato Solidum ang mga residente sa paligid ng bulkan na iwasang lumapit sa crater ng bulkan gayundin ang mga mountain climbers.
Sa ngayon ay naglalaro ang water temperature ng Taal Lake sa 32.6 antas sentigrado bukod sa steam explosions at high concentrations ng toxic gases partikular sa may hilagang bahagi ng main crater rim sa Daang Kastila Trail dahil sa panganib ng steam emission na nagaganap sa buÂnganga ng bulkan. Dagdag ulat ni Angie Dela Cruz