MNLF vs MILF: 50 pamilya lumikas

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Aabot sa 50 pamilya ang nagsilikas  mula sa kani-kanilang tahanan matapos sumiklab ang bakbakan ng mga armadong grupo ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Barangay Marbel, bayan ng Matalam, Noth Cotabato kamakalawa ng gabi.

Wala namang nasugatan o nasawi sa magkabilang grupo na nagdulot ng matinding takot sa mga residente kaya nilisan ang kani-kanilang tahanan.

Ayon kay MNLF-SKsrc Kumander Dima Ambil na may mga pamilya na naiwan sa nasabing barangay at di makaalis dahil nagpapatuloy pa ang bakbakan ng magkalabang grupo.

Sinabi ni Ambil na naganap ang putukan isang oras bago gawin ang konsultasyon sa barangay patungkol sa Framework Agreement on Bangsamoro kung saan ang kasunduan ay nagsisilbing batayan sa pagtatayo ng Bangsamoro Political Entity bilang kapalit ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Kasalukuyang nasa mga evacuation center sa Barangay Kibuok at Barangay Salvacion ang naapektuhang pamilya.

 

Show comments