^

Probinsiya

Lider ng kandidato dedo sa tandem

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines  â€“ Isa na namang lider ng kandidato sa pagka-alkalde ang napaslang matapos ratratin ng riding-in-tandem habang katabi ang kanyang asawa sa bahagi ng Barangay Poblacion, bayan ng San Miguel, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Chairman Ronie Raura, 40, ng Barangay Poblacion habang gina­gamot naman ang sugatang driver ng traysikel na si Emmanuel Manabat.

Samantala, nakaligtas naman sa tiyak na kamatayan ang asawa ng kabesa na si Lotus Marie Raura na hindi tinamaan ng bala.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, papauwi na ang biktimang kasama ang misis lulan ng traysikel mula sa paglalaro ng E-Games sa Barangay Kamias nang pagbabarilin ng tandem assassins pagsapit sa Victor Street sa Barangay Poblacion.

Tinamaan naman ng ligaw na bala ng cal. 45 pistol ang driver ng traysikel na si Manabat habang na-shock naman ang misis ni Chairman Raura sa nasaksihang pagpatay sa kanyang mister.

Napag-alamang si Chair­man Raura ay ma­sugid na supporter  at sinasabing lider ni Barangay Chairman Bong Alvarez na tumatakbo sa mayoralty race sa nasabing bayan.

Malaki ang paniniwala ng mga kaanak ng biktima na may bahid-pulitika ang naganap na pamamaslang habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

vuukle comment

BARANGAY CHAIRMAN BONG ALVAREZ

BARANGAY KAMIAS

BARANGAY POBLACION

CHAIRMAN RAURA

CHAIRMAN RONIE RAURA

EMMANUEL MANABAT

LOTUS MARIE RAURA

SAN MIGUEL

VICTOR STREET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with