Paslit sugatan sa pinaglaruang baril
MANILA, Philippines - Isang 8 -anyos na batang lalaki ang nasugatan matapos na aksidenteng mabaril ang sarili nang paglaruan ang baril sa San Fernando, Cebu, ayon sa ulat kahapon.
Ang insidente ay kasunod naman ng pagkasawi ng isang 4 -anyos na batang lalaki na nabaril ng kaniyang 7 -anyos na kuya sa Bantayan Island, Cebu noong linggo.
Sa report ng Cebu Police, dakong alas-8 ng gabi ng maganap ang ikalawang insidente sa Brgy. Tongo, San Fernando ng lalawigan may dalawang araw na ang nakalilipas.
Ayon sa imbestigasyon, inakala ng biktimang si Junjun, na laruan lamang ang natagpuan nito sa cabinet na isang cal. 22 revolver kaya niya ito nilaro nang biglang pumutok. Tinamaan ang bata sa hita kaya agad itong isinugod ng kanyang mga magulang sa pagamutan.
Itinanggi naman ng mga magulang ng bata na pag-aari nila ang nasabing baril. Iniimbestigahan pa ng pulisya ang kasong ito.
- Latest