Bike vs trak: 2 bulagta

NORTH COTABATO, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat  na nasawi habang iba pa ay sugatan makaraang mahagip ang motorsiklo ng kasalubong na trak sa harapan ng munisipyo ng Matalam, North Cotabato kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang mga namatay na si Efren Cabayao, 55, may asawa, driver; at Bernabe Balanag, backrider,  kapwa nakatira sa nabanggit na bayan. Sugatan namang naisugod sa Babol Medical Hospital ang anak ni Efren na si Maricel, 18. Sa inisyal na pagsisiyasat, patungong bayan ng Mlang ang trak (JCK960) ni Romeo Gabais Jr.mula sa Cotabato Sugar Central Corp. sa Barangay Kilada nang masalpok ang motorsiklo ng mga biktima pagsapit sa harap ng munisipyo.

Show comments