CAMARINES SUR, Philippines - Sa halip na singilin ay tila pinagtatakpan pa ng CASURECO III electric cooperative ang pagkakaroon ng P6.2 milyong utang ng kanilang presidente na si Engr. Ronald Felix “Ganggang†Alfelor matapos itanggi ni CASURECO III General MaÂnager Claro Turiano ang milyun-milyong utang sa paggamit ng kuryente sa loob ng 15 –taon
Sa kabila ng mga dokumentong nakuha ng mamamahayag partikular ang dalawang statement of account na may petsang Marso 5, 2013 na generated mismo sa rekords ng CASURECO III. Ayon kay Turiano nasa P27,000 lamang ang utang ni Alfelor taliwas sa lumabas na ulat na P6.2 milyon ngunit malinaw naman na isa itong cover-up lalo at mayroong pinagbabasihang mga dokumento na nagdedetalye ng naging paggamit ng kuryente at dapat bayaran. Base sa dalawang statement of account mula sa tanggapan ng CASURECO III, ang kasalukuyang tirahan ni Engineer Alfelor sa San Isidro, Iriga City na nakapaloob sa CASURECO III account number 0185-0421 at kategoryang residential at may meter serial number 72-JIC-212-384 ay may utang na naipon mula August 2005 hanggang 2013 na umaabot na ng P3,064,108.87. Ang negosyo naman ni Engineer Alfelor na cable TV, ang RBC Cable na may CASURECO III account number 0815-1240 sa San Isidro, Iriga City at kategoryang commercial ay may meter serial number 95943397 kung saan may pagkakautang na P3,175,800.92.
Kinondena naman ng mga residente ng Iriga City at iba pang bayan na nasasakupan ng CASURECO III ang sinasabing pagtatakip na ginawa ni Turiano. Lumilitaw na si Turiano ay pinsan ni Iriga City Administrator Atty. Aldo Turiano habang ang kapatid naman ni Engr. Alfelor ay si City Mayor Madeleine Alfelor-Gazmen na nasa huling termino kung saan si Engr. Alfelor ang tumatakbo sa mayoralty race sa 2013 mid term elections. Sinabi ni ERC Executive Director Atty. Saturnino Juan na ang pagpasa ng RA 7832 ay upang maprotektahan ang mga consumer laban sa system loss na ang iba ang nakikinabang sa kuryente na ang consumer ang nagbabayad.