Mag-asawa todas sa akyat-bahay

QUEZON , Philippines  â€“ Pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang mag-asawa matapos looban ng mga miyembro ng Akyat-Bahay Gang sa Villa Loreto Subdivision, Barangay Kulapi sa bayan ng Lucban, Quezon kamakalawa ng madaling-araw. Bandang alas-12:30 ng madaling-araw nang matagpuan ng kanilang anak na babae ang duguang katawan ng mag-asawang Elmer Alintajan, 51; at Generosa Alintajan, 50. Ayon kay PO2 Nelson de la Rosa, niransak ng mga magnanakaw ang kabahayan ng mag-asawa habang natutulog sa kuwarto. Dito nagising ang mag-asawa sa nilikhang ingay ng akyat-bahay subalit pinagtulungang patayin matapos manlaban.

Show comments