CAVITE , Philippines - Bumulagta ang 4-anyos na totoy matapos na barilin ng kanyang senglot na ama kaugnay sa away-pamilya kamakalawa ng gabi sa Sitio Abot-Kamay, Barangay Langkaan 1, Dasmariñas City, Cavite.
Namatay habang ginagamot sa ospital ang biktimang si Jairus Dela Cruz habang arestado naman ang suspek na si Roberto Dela Cruz, 41, tricycle driver, kapwa nakatira sa nabnggit na barangay.
Sa ulat ni PO1 Ellaine Magsino, lumilitaw na lango sa alak ang suspek nang umuwi kung saan papasok pa lamang sa kanilang tahanan ay sinalubong na ito ng asawang si Bleziela at tinalakan dahil sa pag-uwi na senglot.
Dito na sumiklab ang pagtatalo kung saan tinutukan ng baril ng suspek ang kanyang misis para takutin at tumigil sa katatalak.
Biniro naman ni kamaÂtayan ang suspek kaya nakalabit nito ang hawak na baril kung saan tinamaan naman sa tiyan ang papalabas ng totoy na sumunod lamang sa kanyang ina.
Pormal naman kakasuhan ang suspek habang nakapiit sa himpilan ng pulisya.