Killer ng university executive tiklo
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Nahulog na sa kamay ng batas ang itinuturing na triggerman sa pagpatay sa isang executive ng Nueva Vizcaya State University (NVSU) noong 2011 matapos maaresto ng mga elemento ng National Bureau of Investigation (NBI) sa bayang ito.
Kinilala ang nasakoteng suspek na si Reonel Martinez, isa umanong dating miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) at kabilang din sa minamanmanan na gun-for-hire sa lalawigan.
Si Martinez ay itinuturong bumaril kay Arlene Fernandez, 56, budget officer at director ng Financial SerÂvices ng NVSU noong Agosto 15, 2011 sa loob mismo ng campus habang nakasakay sa isang tricycle papasok sa administration building ng unibersidad.
Nasamsam mula sa suspek ang isang cal.45 na baril at isa pang first- class automatic rifle nang mahuli ito ng mga kagawad ng NBI.
- Latest