7 nalason sa itlog na pula

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Pitong miyembro ng pamilya ang nalason matapos kumain ng itlog na pula kamakalawa sa Barangay Paoa, Vigan City, Ilocos Sur. Inoobserbahan sa Gabriela Silang General Hospital ang mag-asawang Amorin, mga anak na sina Angelo John, Arianne Joy, Aaron Jay, Angela Amorin at ang kanilang lola. Nabatid na nakaranas ng pagtatae, pananakit ng tiyan, pagkahilo at pagsusuka ang mga biktima matapos magsalu-salo sa hapunan. Pinaniniwalaang kontaminado ang nabiling itlog mula sa palengke.

 

Show comments