2 nagkilos-protesta binoga ng sekyu
TUGUEGARAO CITY, Philippines – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang dalawang obrero na nagkilos-protesta matapos pagbabarilin ng mga security guard sa loob ng labor camp sa Barangay Alicaocao, Cauayan City, Isabela kamakalawa. Kinilala ni Isabela PNP spokesman P/Supt. Narciso Paragas ang mga biktima na sina Eder Francisco, 32; at Dennis FernanÂdo, 23, kapwa tubong Kalibo, Aklan na nagtamo ng tama ng bala sa paa at dibdib. Nabatid na ang dalawa ay kasama ng 400-manggagawang sinibak sa trabaho nang magsagawa ng kilos-protesta sa Sugarcane farm ng Ecofuel Inc. Ayon naman sa Kontratista, nag-expire na ang kanilang service contract. Gayon pa man, sinabi ng mga akusadong guwardiya na sina Julio Guzman at Arthur Marindue na napilitan silang barilin ang mga biktima matapos silang sugurin ng kutsilyo at itak ng mga naninibughong manggagawa.
- Latest