Akyat-bahay dedo sa sekyu

CAVITE, Philippines - Isa sa tatlong notoryus na Akyat-Bahay Gang ang napatay matapos makipagbarilan sa guwardiya ng subdibisyon sa Barangay Sampaloc 3 Dasmariñas City, Cavite kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang napatay na si Jery Roy Sabio habang arestado naman ang isa pang suspek na si Romnick Reyes. Nabatid na sinita ng security guard na si Romeo Abella ang tatlong kalalakihan papasok sana sa Metro Gate Subd. subalit bumunot ng baril at nakipagbarilan. Sa follow-up operation ng pulisya, nasakote naman si Reyes. Sa tala ng pulisya, ang mga suspek ay isinasangkot sa pagpatay sa isang sundalo ng Phil. Marines sa Villa Luisa Subd. sa Barangay San Agustin.

Show comments