Pahinante natuhog ng salamin

CAVITE, Philippines  - Patay agad ang matikas na pahinante makaraang natuhog ng salaming nabasag habang umaatras ang sinasakyang delivery truck sa Barangay Palico 4, Imus City, Cavite kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktima na si JunJun Baldonado ng Barangay Encarnacion, Malabon City, pahinante ng Prominent Aluminum and Glass Supply Retailer. Sumuko naman ang driver ng delivery truck na si Frankie Aquino ng Barangay Tinkeros, Malabon City. Nabatid na papaatras ang truck nang mawalan ng balanse ang biktimang nakaupo sa likurang bahagi ng sasakyan. Dito na bumagsak ang biktima kung saan natuhog ng basag na salamin.

Show comments