2 vote buyers, dinakma
BATANGAS, Philippines - Bumagsak sa mga kamay ng pulisya ang dalawang babaeng sinasabing namimili ng boto para sa isang kandidato sa bayan ng Tanza, Cavite kamakalawa. Kinilala ni PO1 Joel MenÂdoza ang mga suspek na sina Marilou Kamikosa, 56; at Leiann Escobar, 26, kapwa nakatira sa Barangay Amaya Uno sa nasabing bayan. Ayon sa report, inaÂresto ng isang nagngaÂngalang John Ace Pelisardo sa pamamagitan citizen arrest ang dalawang babae matapos siyang abutan ng sobre na naglalaman ng P300 na may kalakip na election stub na may tatak na Poll Workers Training. Agad na tinurn-over sa pulisya ni Pelisardo ang mga suspek kung saan nakatakdang kasuhan sa paglabag sa Section 261, Article 22 ng Omnibus Election Code. Mariin namang itinanggi ng mga suspek ang akusasasyon sa kanila ni Pelisardo. Ayon kay Pelisardo ang dalawang babae ay suporter umano ni Tanza reelectionist MaÂyor Raymundo Del Rosario.Pinabulaanan naman ng kampo ni Mayor Del Rosario na may kinalaman siya sa aktibidad ng dalawang suspek.
- Latest