2 bahay ng poltical supporters niratrat

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Dalawa pang bahay ng political supporters ng mayoralty bet ang niratrat ng mga di-kilalang  lalaki na lulan ng motorsiklo sa Barangay Puroc, bayan ng Luna, Isabela kamakalawa.
 Kinilala ni Isabela PNP spokesman Narciso Paragas ang mga biktima ng straffing na sina Gil Ramiro at Leody Amigo kung saan wala namang nasu­gatan.
 Nauna rito, niratrat din ang bahay ni Chairman Joseph Ramoran ng Barangay Luyao habang sina Chairman Alfredo Agcaoili at supporter na si Jesusa Villanueva ay pinadalhan naman ng sulat na may kalakip na 3- bala ng M16 Armalite rifle.  Nakasaad sa sulat ang pagbabanta na itigil na ng mga ito ang pangangampanya sa kanilang kandidato.
 Nabatid na mainit ang tunggalian ng laban sa mayoralty slate sa nasabing bayan sa pagitan nina suspended Mayor Manuel Tio at Board Member Jaime Atayde.

 

Show comments