SUV ng trader pinasabog

CAVITE , Philippines  â€“ Pinaniniwalaang problemang pampamilya ang isa sa motibo kaya pinasabog ang sports utility vehicle ng 36-anyos na negosyante habang ito ay nakaparada sa bisinidad ng Barangay Caridad, Cavite City, Cavite kahapon ng umaga.  Bandang alas-10:35 ng umaga nang biglang sumabog ang Ford Everest (TIS 140) na pag-aari ni Romulus Protacio ng Barangay 41, Garcia Street sa nasa­bing lungsod. Narekober ng mga operatiba ng pulisya ang ilang bahagi ng bomba tulad ng kable ng blasting cap, SIM card, cell phone at plastic wrapper ng dinamita. Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya ang anggulong  pakikipag­hiwalay ng biktima sa asawa na nauwi sa pagsasampa ng annulment case at kaalitan naman sa negosyo nito.

Show comments