2 pulis nakapuga sa kuta ng NPA
MANILA, Philippines - Nakatakas ang dalawang pulis na kinidnap ng mga rebeldeng New People’s Armymatapos agawan ng baril at mapatay ang dalawang bantay na rebelde sa kagubatan ng Barangay Maitum sa bayan ng Loreto, Agusan del Sur noong Huwebes ng gabi.
Ayon kay P/Chief Supt. Getulio Napeñas, director ng Caraga PNP, nakatakas sina PO2 Ronald Alan Muñez at PO1 Nemuel España makaraang agawan nila ng AK-47 rifle ang dalawang bantay na rebelde.
Sina Muñez at España ay dinukot ng mga rebelde matapos na rumesponde sa kaguluhan sa Brgy. Poblacion noong Linggo ng gabi.
Nabatid na sinamantala ng dalawang pulis na makaÂtulog ang kanilang mga bantay at agad na sinunggaban ang hawak na AK-47 rifle may ilang metro mula sa mga kasamahang rebelde.
Nagtig-isa ng baril ang dalawang pulis na tumakas kung saan hinabol naman ng mga armadong rebelde ay nagawang mabaril ni Muñez at mapabulagta ang dalawang NPA.
Nagdesisyon naman si Muñez na maghiwalay sila ni España upang mahati ang mga rebeldeng humahabol kaya ligtas na nakarating sa himpilan ng Loreto PNP.
Samantala, kahit nanghihina ay nalusutan ni España ang mga humahabol na rebelde matapos itong tuluÂngan at itago ng mga sibilyan na pinahiram ng cell phone para makatawag ng rescue operation.
- Latest