2 dalagita ni-rape ng 15-anyos

QUEZON, Philippines - Maagang napariwara ang kinabukasan ng dalawang dalagita na may edad 15 at 14 matapos na pagsamantalahan ng 15-anyos na binatilyo sa Barangay Bacong Ibaba, bayan ng General Luna, Quezon kamaka­lawa ng gabi. Isinailalim na sa counseling ng social welfare ang dalawang biktima habang ang suspek ay nasa custody ng lokal na sangay ng DSWD. Ayon kay PO3 Lydia Ranido, masayang nagkukuwentuhan ang mga biktima at suspek sa koprahan nang mapadako sa love story ng magkakasintahan. Dito na nilukuban ng masamang hangarin ang suspek kaya nagawa ang maitim na balag sa mga biktimang kapitbahay kung saan hindi nakapalag sa takot na sasaktan.

Show comments