2 dedo, 7 sugatan sa sakuna

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Dalawa-katao ang iniulat na  namatay habang pitong iba pa ang sugatan matapos salpukin ng multicab ang nakaparadang traysikel sa baybay-daan ng Brgy. Turod sa bayan ng Sta. Cruz, Ilocos Sur kamakalawa. Kinilala ang mga nasawi na sina Johnson Aguinaldo, 46, driver ng multicab; at Josephine Jacusalem, 37, pasahero ng trike. Kabilang naman sa nasugatang pasahero ng trike ay sina Jasmine Elaine Sagado, 22; Blessie Hope, 20; Ike Biligan, 58; Sharmaine Dyan Gacusan, 14, na pawang nakatira sa Brgy. San Pedro.  Samantala, nasugatan namang pasahero ng multicab ay sina Cristobal Barot, 34; Lito Gaoat, 38; at si Seprido Osio, 30. Nabatid na nag-overtake ang multicab ni Aguinaldo sa sinusundang sasakyan kung saan kumabig ito pabalik sa kanyang linya dahil may kasalubong na sasakyan subalit  bumangga sa nakaparadang trike na may mga  pasahero.

Show comments