^

Probinsiya

Lider ng Army peace team itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napaslang ang lider ng Army’s Peace and Develop­ment Outreach Program  (PDOP) team matapos asintahin ng dalawang sniper ng New People’s Army sa bayan ng New Corella, Davao del Norte kamakalawa.

Kinilala ni Captain Na­thaniel Morales, spokesman ng Army’s 1003rd Infantry Brigade ang biktima na si Corporal Zalde Sario ng PDOP sa ilalim ng Army’s 60th Infantry Battalion.

Nabatid na abala ang team ni Sario sa pagtulong sa komunidad ng Purok 7, Brgy. Sta. Fe, New Corella nang nasapul ng mga tama ng bala sa tiyan.

Ayon sa imbestigasyon, dalawang sniper ng NPA ang  umakyat sa bubungan ng Purok Chapel na may 100 metro ang layo kay Sario na nakikipagpulong sa mga sibilyan kaugnay sa proyektong pangkomunidad.

Sunud-sunod na putok ang umalingawngaw mula sa M14 rifle  na sumapul sa katawan ni Sario na agad bumulagta.

Binigyan ng first aid  si Sario bago ito isinugod sa Tagum City Regional Hospital pero nabigong maisalba ang buhay.

Kinondena naman ni Lt. Col. Llewellyn Binasoy, commander ng Army’s 60th Infantry Battalion ang insidente.

CAPTAIN NA

CORPORAL ZALDE SARIO

INFANTRY BATTALION

INFANTRY BRIGADE

LLEWELLYN BINASOY

NEW CORELLA

NEW PEOPLE

OUTREACH PROGRAM

SARIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with