Amo inutas ng trabahador

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 80-anyos na negosyanteng babae habang dalawa namang bata ang grabeng nasugatan matapos na pagsasaksakin ng trabahador na sinibak ng matanda sa Barangay Caticlan, bayan ng Malay, Aklan kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang napatay na si Agnes Sancho, may-ari ng ASJ Sancho car park habang ginagamot naman sa Saint Gabriel Hospital ang dalawang ampon nitong sina Sunshie Agnes Sancho, 10; at Dion Sancho, 4. Arestado naman ang suspek na si Rogelio Bigornia, 22, ng Culasi, Antique. Lumilitaw sa imbestigasyon na ang suspek ay sinibak ng matanda sa trabaho kung saan muling bumalik para kunin ang P 1,000 panghuling suweldo bilang car park attendant subalit nakipagtalo na humantong sa pananaksak. Idinamay pa ang dalawang ampon ng matanda.

 

Show comments