QUEZON, Philippines – Pinabulagta ang 44-anyos na barangay chairman matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa labas ng kanyang bahay kamakalawa ng gabi sa Barangay Sta. Catalina Norte, bayan ng Candelaria, Quezon.
Kinilala ni P/Supt. Francisco Ebreo, hepe ng Candelaria PNP ang biktimang napuruhan sa ulo na si Chairman Calixto Pita Clanor ng nabanggit na barangay.
Samantala, isa sa mga suspek na si Dennis Pateña, 32, ng Sitio Cinderella, Brgy. Sta. Catalina Sur ay nasakote ng pangkat ni SPO3 Norbel Sotto habang ang isa pang suspek na si Alladin De Villa Cornejo ay sumuko.
Nabatid na kararaÂting lamang ng biktima sa kanyang bahay mula sa panonood ng basketball nang lapitan at ratratin ng tandem.
Tinangay pa ng tandem ang cal. 45 pistol na pag-aari ng biktima kung saan narekober naman sa crime scene ang siyam na basyo ng bala ng baril.