Pulis grinipuhan sa botika

CAVITE , Philippines   â€“ Sugatan ang 55-anyos na pulis matapos itong mapagtripang saksakin ng isang lalaki sa harap ng tindahan sa Barangay Teniente Tiago sa bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite GMA Cavite, kamaka­ lawa ng gabi. Napuruhan sa likurang bahagi ng katawan si PO 3 Juanito Muella, naka-assign sa nasabing bayan at nakatira sa Barangay Gregoria De Jesus. Arestado naman ang suspek na si Salvador Albor ng Block19 Lot 44 Barangay Nicolas Virata sa nasabing bayan. Nabatid na bumibili ng gamot sa botika ang biktima nang lapitan at saksakin sa likuran. Nagawa pa ring makipaglaban ang biktima sa suspek kahit na sugatan hanggang sa tuluyan niya itong masakote.

 

Show comments