Lalaki inararo sa highway

CAVITE , Philippines  - Lasog ang katawan ng 32-anyos na lalaki matapos na masagasaan ng di-nabatid na uri ng sasakyan sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay Buho, bayan ng Silang, Cavite kahapon ng madaling-araw. Bandang alas-3:30 ng madaling-araw nang mahagip ng sasakyan si Deben Nalagon ng Blk 14 Lot 2 Barangay Nicolas Virata, bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite. Ayon sa ulat, tumatawid ang biktima nang salpukin ng di-nabatid na sasakyan kung saan sa halip na tulungan ay tinakasan ito. Sa lakas ng pagkakasalpok ay halos malasog ang katawan ng biktima kung saan tumama pa ang ulo sa espaltong kalsada.

 

Show comments