3-anyos nalunod
NUEVA ECIJA, Philippines – Patay ang isang 3 anyos na batang lalaki matapos itong aksidenteng madulas at malunod sa ilog sa Brgy. Villarosa, Licab sa lalawigang ito kamakalawa ng tanghali. Kinilala ang biktima na si Aron Kyle Miranda ng Purok 1, Brgy. Tabing Ilog ng bayang ito. Bandang alas-11 ng umaga habang nakaupo ang biktima sa may pampang ng ilog at pinanonood ang mga batang naglalangoy ng aksidente itong mawalan ng balanse at mahulog sa tubig na siyang kumitil sa buhay nito. Narekober ang katawan ng biktima matapos ang 30 minuto pero dead-on-arrival na sa Sto. Domingo District Hospital.
- Latest