LA UNION , Philippines - Pinag-aaralan na ng Commission on Elections (Comelec) ang paglalagay sa apat na bayan sa La Union sa ilalim ng kanilang kontrol upang maiwasan ang anumang nakaambang karahasan sa daraÂting na halalan.
Ito ay kaugnay ng isinumiteng rekomendasÂyon ng Comelec Region 1 base sa kahilingan ng apat na opisyal mula sa mga bayan ng Agoo, Aringay, Rosario at sa bayan ng Tubao.
Nauna rito, naghain ng kanilang reklamo kay Comelec Commissioner Sixto Brillantes sina Atty. Enzo Sanchez ng Rosario; Mario Chan ng Agoo; Wilfredo Garcia ng Tubao; at si Amiel Ong ng Aringay.
Ayon kay Atty. Sanchez, nakababahala ang mga patayan, talamak na pamumudmod ng pera ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa mga lider ng barangay at ilang lider sa komunidad para tiyakin ang kanilang panalo.
Hiling din ng apat na kailangang palitan ang mga local election officer sa kanilang bayan maliban sa bayan ng Rosario upang masiguro na hindi maiimpluwensyahan ng mga lokal na opisyal. Hiniling din nila ang karagdagang puwersa ng pulisya at militar na magbibigay proteksyon sa gaganaping halalan.
“Mistulang moro-moro ang covenant signing sa apat na bayan dahil hindi naman ito nasusunod.†Pahayag pa ng apat na kandidato sa mga nasabing bayan.