MANILA, Philippines - Napaslang ang 50-anyos na shabu dealer matapos makipagbarilan sa arresting team ng pulisya noong Huwebes ng hapon sa Mango Avenue Dalliao, Toril District, Davao City.
Kinilala ni Davao City PNP director P/Senior Supt. Ronald de la Rosa ang naÂpatay na si Augustus Caesar Borja, sinasabing wanted sa kasong drug pushing.
Nabatid na bitbit ng mga operatiba ng pulisya ang search warrant na inisyu ni Judge Pelagio Paguican ng Davao City Regional Trial Court Branch 11 nang salakayin ang bahay ni Borja.
Gayon pa man sa halip na sumuko ay agad nanlaban at nakipagbarilan sa arresting team na nauwi sa ilang minutong palitan ng putok kung saan duguang bumulagta si Borja.
Narekober sa bahay ni Borja ang isang granada, cal. 45 pistol at iba’t ibang uri ng pampasabog.
Natagpuan din ang 10-plastic sachet ng shabu, improvised totter, P4,000 cash, 9-pirasong US1 dollar at 2-cell phone.
Samantala, inaresto rin ang kapatid ni Augustus na si Dioscoro Borja, 44, matapos masamsaman ng cal. 45 pistol na walang lisensya, iba’t ibang klase ng bala, 3 plastic sachet ng shabu at iba’t iba pang uri ng baril.