Lover ni misis utas kay mister

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Panibugho ang bumalot sa isip ng isang galit na mister upang pagtatagain hanggang mapatay ang kanyang kapitbahay na sinasabing lover ng kanyang misis sa bayan ng Pasiquin, Ilocos Norte kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Richard Adriatico, tubong Tanauan City, Batangas at kasamahan sa boarding house ng suspek na si Mario Bahayan Jr., 35. Sinasabing ngitngit ang suspek sa pakikipagrelasyon ng biktima sa kanyang misis kaya niya sinundan ang dalawa sa beach resort kung saan pinagtataga ang ulo ng biktima hanggang mapatay.

Show comments