Motorcade ban suportado ni Jack Enrile

CAGAYAN, Philippines – Sinuportahan ni Cagayan Congressman at United Nationalist Alliance (UNA) senatorial candidate Jack Enrile ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na ipagbawal ang mga nakapa-praning na political motorcade sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Nauna rito, sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na ang ban ay pinairal ng kanyang tanggapan upang maibsan ang kalbaryo ng mga motorista’t mananakay sanhi ng mahaba at buhul-buhol na trapiko sa dulot ng mga political motorcade, partikular sa EDSA at iba pang pangunahing karsada.

Samantala, nanawagan ni Enrile sa mga kapwa kandidato na igalang at sundin ang Comelec motorcade ban sabay ang paalala na hindi tatangapin ng mga botante ang mga kandidatong pasaway na hindi alintana ang paghihirap ng mga motorista at commuter.

Magugunita na marami nang motorista at mga pasahero ng  publikong sasakyan ang nagrereklamo ukol sa perwisyong dulot ng mga motorcade na animo’y ahas na pasingit-singit sa kahabaan ng kalsada.

 

Show comments