Barangay chairman itinumba

MANILA, Philippines - Isa na namang  barangay chairman ang napaslang matapos pagbabarilin ng dalawang rebeldeng New People’s Army (NPA) noong Martes ng umaga sa bahagi ang Barangay Macopa sa bayan ng San Francisco, Surigao del Norte. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, tatlong bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Chairman Domingo Amparo, 50, ng nabanggit na barangay. Ayon sa pulisya, bumisita ang biktima sa kaniyang koprahan nang lapitan at ratratin ng dalawang miyembro ng hit squad ng NPA rebs.

Show comments