Konsehala nilikida ng NPA

MANILA, Philippines - Napatay ang 44-anyos na babaeng barangay councilor habang sugatan naman ang kausap nitong miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) matapos pagbabarilin ng tatlong di-kilalang lalaki na pinaniniwalaang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kamakalawa ng gabi sa Bayugan City, Agusan  del Sur. Kinilala ang nasawing biktima na si Councilor Jenny Agipo ng Barangay Berseba habang naisugod naman sa Bayugan Medical Center  ang sugatang si Cafgu Pio Lamit Jr. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, nag-uusap ang dalawa sa loob ng bahay ng konsehala nang pasukin at ratratin ng mga armadong kalalakihan. Inaalam ng pulisya kung may kaugnayan sa pulitika ang krimen.

Show comments