^

Probinsiya

Mag-asawa, 2 anak at apo nilamon ng apoy

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines   â€“ Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng mag-asawa, dalawa nitong anak at apo matapos na makulong sa nasusunog na tindahan ng mga furniture sa Barangay Lolomboy, bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Kabilang sa mga nasawi ay ang mag-asawang Rodolfo Dela Cruz, 61; at Felecita Dela Cruz, 47; mga anak na sina Frean Dela Cruz, 16; Francis Mark Dela Cruz, 10; at ang apong si Chesciy Dela Cruz, 13, pawang nakatira sa nabanggit na barangay.

Sa ulat ni F/Senior Insp. Carlos Estipular, naganap ang sunog dakong ala-1:30 ng madaling-araw habang natutulog ang mga biktima sa loob ng inuupahang establisimyento na pag-aari ng konsehal ng bayan sa naturang lugar.

Dahil sa mga nakaimbak na kemikal na ginagamit sa mga furniture at gawa sa light materials ang tindahan ay mabilis na kumalat ang apoy.

Naapula ang sunog matapos ang kalahating oras kung saan natagpuan ang katawang sunog ni Frean sa sala ng bahay habang nakita naman ang katawan ng mag-asawa na magkaakap malapit sa palikuran katabi sina Francis Mark at apong si Chesciy.

Samantala , ang katawan ng kanilang alagang aso ay sa loob naman ng palikuran natagpuan.

Aabot naman sa P.5 mil­yong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy habang patuloy ang imbestigasyon. Dagdag ulat ni Dino Balabo

vuukle comment

BARANGAY LOLOMBOY

CARLOS ESTIPULAR

CHESCIY DELA CRUZ

DINO BALABO

FELECITA DELA CRUZ

FRANCIS MARK

FRANCIS MARK DELA CRUZ

FREAN DELA CRUZ

RODOLFO DELA CRUZ

SENIOR INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with