Pulis utas sa riding in tandem

BATANGAS, Philippines – Kinarit  ni kamatayan ang isang pulis samantalang sugatan naman ang kasamahan nito matapos tambangan ng ri­ding in tandem sa Tanauan City  kahapon.

Kinilala ang nasawing pulis na si SPO1 Wilfredo Luna, 45, residente ng Pantay Bata, Tanauan City at nakatalaga sa PNP-Anti Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) sa Camp Crame.

Isinugod naman sa Saint Cabrini Hospital ang suga­tan nitong kasama na si Lauro Macayanan.
Ayon sa report, sakay ng isang Honda Civic na may plakang VEM-495 ang dalawang biktima galing sa Brgy. Santor patungong Maynila nang tambangan ng mga suspek sa may Star toll exit sa may Brgy. Sambat, Tana­uan City pasado alas-12 ng tanghali, Dead-on-arrival sa ospital si SPO1 Luna samantalang nagtamo naman ng mga tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan si Macayanan.

Nagsasagawa na ng hot pursuit operations ang mga awtoridad laban sa mga suspek na tumakas lulan ng kulay itim na motorsiklo at inaalam na rin ang motibo ng krimen.

Show comments