RIZAL, Philippines - Natagpuang wakwak ang tiyan, walang laman-loob, pugot ang ulo ng 4-anyos na lalaki matapos itong mawala noong Marso 19 sa bayan ng Pililla, Rizal
Sa ulat ni P/Chief Insp. Resty Soriano, hepe ng Pililla PNP, kinilala ang biktima base sa suot nitong damit noong araw na mawala na si Mark Eljine Escarmosa ng Barangay Malaya sa nabanggit na bayan.
Ayon sa opisyal, kaya wakwak ang tiyan ng bata na halos buto na ang katawan ay dahil nilapa ito ng mabangis at gutom na asong gala gayundin ng iba pang mga hayop sa gubat nang matagpuan noong Huwebes.
“Ang teorya na nakikita naming sa kasong ito, kaya natagpuan ay may nakita silang aso na kagat-kagat ‘yung isang binti ng bata na puro buto na po,†ayon kay Soriano.
Naagnas na rin ang katawan ng biktima na halos buto na nang matagpuan ng isang residente na napadaan sa ibaba ng matarik at masukal na bangin sa may sapa malapit sa tahanan nito bandang alas-12:30 ng tanghali.
Ayon kay Soriano, posibÂleng nahulog sa matarik na bangin sa sapa ang biktima na nasawi matapos tumama sa matalim na bato ang ulo at katawan hanggang sa papakin na ng hayop ang bangkay nito.
Gayon pa man, nagtataka naman ang pamilya ng biktima kung bakit hindi nila nakita ang tsinelas ng bata sa lugar na kinatagpuan sa naagnas na nitong bangkay.
Nagtataka rin ang pamilya dahil agad na sinunog ng hindi pa rin nakikilalang kabarangay nila ang lugar na kinatagpuan ng bangkay ng bata kung saan buo pa rin ang damit nito.
“May bangin ho kasi doon sa likod ng sementeryo, doon nahanap ang bata sa sapa,†ayon pa sa hepe na nagsabing pa na ipagpapatuloy ang masuÂsing imbestigasyon.