SUV vs bus; 33 sugatan

BULACAN, Philippines — Umabot sa 33-katao ang nasugatan matapos salpukin ng sports utility vehicle ang pampasaherong bus sa kahabaan ng North Luzon Expressway noong Lunes ng gabi sa bahagi ng Meycauayan City, Bulacan. Base sa police report, 19 sa mga biktima ang isinugod sa Montefalco Hospital, pito sa Bulacan Medical Mission Group Hospital sa Bocaue  at ang tatlo naman ay sa Bulacan Medical Center sa Malolos City. Naganap ang sakuna bandang alas-11 ng gabi matapos salpukin ng Nissan Pathfinder ni Reynaldo Lovino Jr.ang likuran ng San Trans Bus ni Bernardo Arigildo ng Norzagaray, Bulacan. Kaugnay nito, sa hindi nabatid na dahilan ay biglang nawala sa Montefalco Hospital si Arigildo matapos itong gamutin habang si Lovino naman ay tumangging magbigay ng pahayag.

Show comments