SUV ng solon vs dyipni: 6 sugatan

MANILA, Philippines - Anim-katao ang iniulat na nasugatan matapos na magbanggaan ang sports utility vehicle na sinasakyan ng misis ni Camarines Sur 1st District Rep. Diosdado “Dato” Arroyo at kasalubong nitong pampasaherong jeepney sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas noong Lunes ng umaga. Isinugod sa Saint Frances Cabrini Hospital  ang mga sugatang pasahero ng jeepney na sina Marisol Villegas, 23; Marilou Desio, 37; Joar Sasis, 27; Andy Niem, 25; Ruby Mercado, 28; at si Hazel Reyes, 37. Naganap ang sakuna sa kahaban ng Daang Maharlika Highway sa Barangay San Vicente dakong alas-6:30 ng umaga. Lulan ng Toyota Land Cruiser si Victoria Arroyo at anak nitong babae patungo sa bayan ng Alaminos, Laguna nang makabanggaan ang kasalubong na pampasaherong jeepney. Samantala, hindi naman nasaktan ang mag-ina ng kongresista kung saan inilipat sa kanilang back-up vehicle.

Show comments