Mag-asawa grabe sa ambush

BULACAN, Philippines - Nasa kritikal na kalagayan ang mag-asawa matapos tambangan ng riding-in-tandem gunmen sa kahabaan ng Cagayan Valley Road sa bulubunduking bahagi ng Barangay Pinaod sa bayan ng San Ildeponso, Bulacan kahapon.

Kasalukuyan ginagamot sa ospital ang mag-asawang Gliselso Vergara 61, chairman sa Barangay Akle at Laurita Vergara, 56, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Julius Cesar Domingo, naganap ang pananambang dakong ala-1:20 ng hapon habang lulan ng barangay patrol (SKB-484) ang mag-asawa at ilang kaanak nito.

Hindi naman tinamaan ng ligaw na bala ang ilang lulan ng sasakyan subalit nadale si Chairman Vergara sa likurang bahagi ng kanyang katawan.

 

Show comments