LIPA CITY, Batangas, Philippines - Kasabay ng pag-uumpisa ng kampanya para sa nalalapit na mid term elections, napaslang ang 57-anÂyos na staff ni Batangas 4th District Rep. Leandro “Dong†Mendoza matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen kamakalawa ng gabi sa bahagi ng Barangay BalinÂtawak sa Lipa City, Batangas.
Napuruhan sa ulo ang biktimang si Carlos “Charlie†Mendoza ng Sitio San Nicolas sa nasabing barangay at tumatayong community affairs officer ni Rep. Mendoza.
Ayon sa police report, kagagaling lang ni Mendoza sa campaign rally kung saan umuwi lang sandali nang harangin at ratratin ng tandem ilang metro lang ang layo sa kanilang bahay bandang alas-9:30 ng gabi.
Ayon kay SPO2 Archie Limbo, chief investigation officer ng Lipa City PNP, pulitika at awayan sa pamilya ang ilan sa mga sinisilip ng pulisÂya sa motibo ng pamamaslang.
Si Congressman Dong Mendoza ay tumatakbong muli bilang kongresista sa kanyang distrito sa nalalapit na Mayo 13 mid term elections.