Mister pinatay sa beach resort

QUEZON , Philippines   - Nauwi sa patayan ang masayang outing ng dalawang grupo ng mga kalalakihan matapos na mag-away ang mga ito kamakalawa ng hapon sa beach resort ng Sitio Kaingin, Barangay Bignay sa bayan ng Sariaya, Quezon kamakalawa ng hapon Apat na tama ng saksak sa katawan ang tumapos sa buhay ni Lito Briones habang naaresto naman ang suspek na si Victor Solomon, 39. Ayon kay SPO3 Menardo del Mundo, dakong alas-3 ng hapon ay kapwa nasa magkabilang mesa sa beach resort ang grupo ng biktima at suspek nang magkatitigan ang mga ito na sinasabing mga lango na sa alak. Nauwi sa mainitang pagtatalo ang nasabing tagpo hanggang sa bumunot ng patalim ang suspek at inundayan ng sunud-sunod na saksak ang biktima.

Show comments