Suspek sa pamamaril , tiklo

Cavite, Philippines — Nadakip ng mga operatiba ng pulisya ang isa sa pangunahing suspek sa pamamaril sa ginanap na General­ Assembly Meeting na kumitil ng buhay ng isa habang walo pa ang nasugatan sa Sta. Cristina II, Dasmariñas City ng lalawigang ito. Kinilala ni  Supt. Joseph Peñaflor, hepe ng pulisya sa lungsod na ito ang nasakoteng suspek na si Jonathan Movido, nasa hustong gulang, kasalukuyan ngayong nakapiit matapos maaresto sa ginanap na Oplan Sita ng Dasmariñas City Police Station. Bandang alas-3 ng hapon nang masakote ang suspek sa Brgy. Paliparan III ng lungsod matapos na ituro ng isang testigo. Nahulihan ng baril at mga bala ang nasabing suspek na nahaharap sa paglabag sa election gun ban, illegal possession of firearms, homicide at multiple frustrated homicide.

Show comments