Ex-NPA rebel tinodas, misis grabe

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines – Patay ang isang tumiwalag na miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army habang grabe naman ang misis nito at pitong buwang sanggol sa kaniyang sinapupunan matapos na pagbabarilin ng mga dating kasamahan ng nasabing mister sa Brgy. Siya, San Miguel, Catanduanes kamakalawa. Kinilala ang na­sawing biktima na si Jerome Bernal, 28-anyos at isinugod naman sa Eastern Bicol Medical Center ang buntis nitong misis na si Mylene Tindugan, 23-anyos. Ayon kay Sr. Supt. Eduardo Chavez, Provincial Police Office Director, bandang alas-11:30 ng umaga nang lusubin ng mga rebelde ang tahanan ng target na mister sa nasabing lugar at ratratin ang mag-asawa habang nananghalian. Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang pagtugis ng mga awtoridad sa mga rebelde upang bigyang hustisya ang pagkamatay ng biktima.

Show comments