Sarhento utas sa akyat-bahay

CAVITE, Philippines – Napatay ang 53-anyos na sarhento ng Phil. Marines na sinasabing sumaklolo lamang sa nakawan matapos itong pagbabarilin ng dalawang miyembro ng Akyat-Bahay Gang sa loob ng subdivision sa Barangay San Agustin 3, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdid ang biktimang si M/Sargeant Cornelio Serillo Jr. ng Block 16, Lot 30, Yakal Street, Phase 1, Villa Luisa Homes Subd. sa nabanggit na barangay. Base sa police report,  narinig ng biktima ang iyakan ng kanyang kapitbahay sa loob ng bahay ng pamilya Aquino dahil sa panloloob ng dalawang ‘di-kilalang lalaki na akyat-bahay. Kaagad na sumaklolo ang biktima sa kanyang kapitbahay ngunit sinalubong siya at niratrat ng dalawang kawatan.

Show comments