CAVITE, Philippines - Ibinasura ng kasalukuyang mga opisyal ang isinagawang snap election ng mga talunan at dating opisyal ng Gardenia Valley Homeowners Association, Inc (GVHAI) noong Linggo ng Marso 24, 2013 sa Barangay Molino 3, Bacoor City, Cavite.
Sa 2-pahinang joint committee resolution ng 10-incumbent Officers at Board of Directors ng GVHAI noong Marso 25, 2013, pinawalang bisa ang inilatag na special election ng mga kandidatong nagrereklamo sa kasalukuyang mga opisyal.
Kabilang sa mga opisyal na pinaborang ibasura ang inilatag na snap election ay sina Rico Concepcion, Rogelio E. Tacata, Perpecto A. Supsup, Sonny Gaya, Edita A. Ladia, Ma. Victoria Enesio, Marlene G. San Jose, Cynthia U. Gallegos, Oliver M. San Jose, at si Ma. Wanda C. Dangan. Kabilang sa pangunahing paglabag sa mga nanguna sa nasabing elekÂsyon ay ang kawalan ng memorandum mula sa pamunuan ang Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) bago isagawa ang snap election noong Linggo (Marso 24).
Nakasaad din sa resolusyon na dapat sundin ang petsa ng eleksyon ng GVHAI sa tuwing Setyembre na naayon sa itinakdang batas ng nasabing asosasyon.
Hindi rin isinama ang mga incumbent opisyal ng GVHAI sa sinasabing agreement na ginawa ng mga nagrereklamo sa HLURB noong Marso 5, 2013.
Hindi naman nakapabigay ng kanilang panig ang mga nagrereklamo na naglunsad ng snap election laban sa mga incumbent Board of Directors