Mag-utol ni-rape ng driver

BULACAN, Philippines - Maagang napariwara ang kinabukasan ng magkapatid na batang babae matapos na halayin ng kanilang kapitbahay na drayber sa bulubunduking bahagi ng Barangay San Isidro, San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon. Luhaang dumulog sa pulisya kasama ang kanilang mga magulang ang magkapatid na itinago sa mga pangalang Kris, 14, 2nd year high school at Heart, 5, upang ireklamo ang suspek na si Pedro Frayna, 56. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Joel Estaris, naganap ang krimen sa loob ng bahay ng mag-utol kung saan lango sa alak ang suspek. Sa follow-up operation ng pulisya ay naaresto naman ang suspek sa kaniyang bahay.

Show comments